FILIPINO
Ang pagtuturo ng Filipino ay nakasentro sa paglago sa paggamit ng wika sa pamamagitan ng iba’t ibang malilikhain, integratibo, at kolaboratibong mga gawain sa loob at labas ng silid-aralan; na bukal ng awtentiko at makabuluhang karanasan at pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaalinsabay nito ang pagpupunla ng pagmamahal sa wika at pagyapos sa kulturang Pilipino upang tunay na maipagmalaki ang lahing kayumanggi.